Patuloy na lumiliit ang mundo ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, ito ay bunsod ng ₱50 milyong pabuya ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa agarang ikaaaresto ng senador.
Ayon sa opisyal, sa sandali kasing mamataan si Dela Rosa, tiyak na mayroon agad magbibigay ng impormasyon sa mga otoridad.
Posible aniyang sa PNP sila mag-report o magbigay ng impormasyon o sa iba pang law enforcement agencies.
Sa katunayan, sinabi ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Melvin Matibag na siya man ay mayroong natatanggap na ring impormasyon sa kinaroroonan umano ng senator.
Tumanggi naman si Castro na isiwalat ang detalye ng operasyon ng mga otoridad sa mga ginagawang aksyon upang maaresto ang senador.