Agad na nagsagawa ng clean-up operation ang Quezon City Government sa Bagbag Cemetery at Novaliches Public Cemetery matapos ang pagdagsa ng mga dumalaw ngayong Undas 2026.
Pinangunahan ng Department of Sanitation and Cleanup Works of Quezon City (DSQC) ang paglilinis sa paligid ng mga sementeryo at pagkolekta sa mga basurang naiwan.
Ayon sa QC LGU, patuloy ang deployment ng clean up team sa mga sementeryo para matiyak na magiging maayos at malinis ang mga lugar para sa mga susunod pang bibisita.
Muling pinaalalahanan ng lokal na pamahalaan ang publiko na huwag magkalat at itapon ang basura sa mga itinalagang basurahan.