Hiling ng Palasyo na sana’y magkaroon din ng bisyon ang mga susunod na liderato ng bansa para mas mapatatag pa ang seguridad sa pagkain at gawing tuloy-tuloy ang irrigation projects.
Ayon kay Palace Press Officer Undersecretary Claire Castro, sadyang makakatulong ang mga irigasyon sa mga magsasaka na isa sa mga pinagtutuunan ng pansin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Inihayag ng PCO official na sa ngayon ay maraming binubuksan na mga irrigation project na nitong mga nakaraang araw ay sunod- sunod pa ngang pinuntahan ng Presidente at pinangunahan ang pormal na pagbubukas.
Bukod sa irigasyon ani Castro ay may iba pang tinututukan ang Punong Ehekutibo na may kinalaman sa kapakanan ng mga magsasaka.
Naririyan aniya ang machinery at cold storages gayundin ang pagbibigay ng fertilizers sa mga magsasaka na sana ay makasama sa prayoridad ng mga susunod na liderato ng bansa.