Kasado na bukas, November 5, ang 4th Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill.
Layon ng hakbang na maihanda ang mga ahensya ng gobyerno, local government units, emergency responders at komunidad sa malakas na lindol at tsunamis.
Tampok sa simulated disaster scenario ang magnitude 8.5 na lindol, na ang sentro ay matatagpuan sa 180 kilometers timog-silangan ng Santa Ana, Cagayan, dulot ng paggalaw ng East Luzon Trough.
Ang earthquake drill ay kasabay ng paggunita sa World Tsunami Awareness Day 2026 kung saan binibigyang halaga ang awareness at kahandaan ng lahat upang mabawasan ang tsunamis risks at ibsan ang posibleng epekto nito.