Maghahain ang Office of the Ombudsman ng reklamo sa Department of Information and Communications Technology (DICT) at sa Facebook laban sa mga nagpapakalat ng ‘fake news’ na tumatarget sa tanggapan.
Sa kanyang pulong balitaan, sinabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulla na layon nitong maipa-takedown ang mga social media account na ginagamit sa propaganda at panlilinlang sa publiko.
“There’s been an effect, I mean, people are trying to create doubt about the office, or maybe even the state of my health. And I think that this has to stop. And we are filing a complaint with DICT and Facebook itself to stop the proliferation of fake news,” ani Remulla.
Inihalimbawa ni Remulla ang isang blog na nagkokomento sa kasong plunder ni dating House Speaker Martin Romualdez na nakabinbin sa Sandiganbayan. Tinatangka umano nitong impluwensyahan ang opinyon ng publiko sa mga kaso.
Binanggit din ni niya ang mga kumakalat na pekeng balita tungkol sa kanyang kalusugan. Giit niya, halos tatlong taon na siyang cancer-free.
Inakusahan naman ni Remulla na ginagamit umano ng ilang may kinakaharap na kaso ang social media para magpakalat ng ‘fake news.’