Photo courtesy of PNP-PIO
Nasamsam ng Philippine National Police ang nasa P3.56 milyong halaga ng hinihinalang smuggled cigarettes sa magkahiwalay na operasyon sa Maguindanao del Norte at Lanao del Sur nitong nakalipas na dalawang araw.
Dalawang indibidwal ang naaresto sa checkpoint operation sa Parang, Maguindanao del Norte, kung saan nakumpiska ang 12 master cases ng sigarilyo na nagkakahalaga ng mahigit P531,000, kasama ang isang cargo vehicle.
Samantala, 72 master cases naman na nagkakahalaga ng mahigit P3 milyon ang narekober sa Marantao, Lanao del Sur, matapos iwan ng mga suspek sa gilid ng kalsada.
Sa kabuuan, 84 master cases ng hinihinalang smuggled cigarettes ang nasamsam.
Ayon sa PNP, paiigtingin pa ang kampanya laban sa smuggling upang maprotektahan ang mga lokal na negosyo at matiyak ang pagsunod sa batas.