Pinasimple na ang pagkuha ng Person with Disability o PWD ID sa pamamagitan ng Unified PWD Identification System.
Ayon sa National Council on Disability Affairs, maaaring magparehistro sa Persons with Disability Affairs Office o City at Municipal Social Welfare Office ng kanilang lokal na pamahalaan.
Para sa first-time applicants na may non-apparent disability, kailangan ng Certificate of Disability mula sa lisensiyadong doktor.
Hindi na ito kailangan kung may valid na physical PWD ID.
Agad na ibibigay ang digital ID matapos ang registration. Mayroon itong QR code para sa mabilis na verification.
Ayon sa NCDA, lifetime ang validity nito para sa permanent disability, habang limang taon naman sa non-apparent disability, na sasailalim sa revalidation.