Inaasahang maglalaro sa 36 hanggang 37 degrees Celsius ang heat index sa Metro Manila ngayong araw, Nobyembre 8.
Sa Central Luzon, aabot sa 39 degrees Celsius sa Hacienda Luisita, Tarlac, habang 38 degrees sa CLSU Muñoz, Nueva Ecija, at Cubi Point, Subic Bay, Zambales.
Sa Region 4-A, aabot naman sa 38 degrees Celsius ang heat index sa Sangley Point, Cavite, at 37 degrees sa Infanta at Mulanay, Quezon.
Samantala, inaasahang aabot sa 42 degrees Celsius ang heat index sa Zamboanga City at Baler, Aurora, habang 41 degrees sa Dagupan City, Pangasinan, Cuyo, Palawan, La Granja sa Negros Occidental, at Borongan, Eastern Samar.
Pinapayuhan ng PAGASA ang publiko na uminom ng sapat na tubig at iwasan ang matagal na pagbibilad sa araw upang maiwasan ang heat cramps at heat exhaustion.