Naghain ang National Bureau of Investigation (NBI) ng reklamo sa National Prosecution Service ng Department of Justice (DOJ) laban sa 13 indibidwal.
Inirereklamo sila sa umano’y paglabag sa Anti-Agricultural Economic Sabotage Act kaugnay ng pagpasok ng mga sigarilyo sa isang pribadong pantalan sa Cebu.
Kabilang sa mga inireklamo ang ilang miyembro ng pamilya Gothong, na umano’y nagpapatakbo ng pantalan, at ilang tauhan ng isang shipping company.
Ayon sa NBI, nasabat sa pantalan ang 59 na container na may lamang mga sigarilyong nagkakahalaga ng 13 bilyong piso. Ilegal umanong ipinasok ang mga ito.
Susuriin ng mga piskal ang mga dokumento at ebidensyang isinumite ng NBI para matukoy kung may sapat na batayan para magsagawa ng paunang imbestigasyon.