Bumaba ng 32% ang focus crimes sa bansa mula July hanggang October 2026, kumpara sa kaparehong panahon noong 2025.
Ito ay batay sa pinakahuling datos ng Philippine National Police (PNP).
Ayon kay PNP Chief Police General Jose Melencio Nartatez Jr., nasa 9,047 insidente ang naitala sa loob ng apat na buwan, mas mababa ito ng 4,354 kaso kumpara sa 13,401 noong nakaraang taon.
Nitong October 2026, nakapagtala ng 2,295 kaso, mas mababa ng 1,080 kumpara sa 3,375 na naitala noong October 2025.
Kabilang sa focus crimes ang murder, homicide, physical injury, rape, robbery, theft, motor vehicle theft, at motorcycle theft.
Sinabi naman ni Nartatez, na hindi lamang numero ang batayan ng kaligtasan ng komunidad, kung hindi ang araw-araw na pagtatrabaho ng mga pulis.
Samantala, sa kampanya kontra ilegal na droga, nagsagawa ang PNP ng 5,101 operasyon noong October, na nagresulta sa pagkakaaresto ng 5,788 indibidwal at pagkakakumpiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P192 milyon.