Agad naghatid ng tulong ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa 30 tindero at tindera sa Pasay City na pansamantalang hindi makapaghanapbuhay dahil sa ipinatutupad na security restrictions kaugnay ng ASEAN Summit 2026.
Ayon sa DSWD, binisita ng mga tauhan ng DSWD-NCR ang mga vendor mula sa mga paresan at carinderia para hatiran ng tulong.
Bawat apektadong vendor ay tumanggap ng Family Food Packs at ₱10,000 cash assistance bilang pambawi sa posibleng mawawalang kita sa kanila sa panahon ng ASEAN Summit mula November 15-18.
Ang naturang hakbang ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na tiyaking may suporta ang mga mamamayang maaapektuhan ng mga paghahanda at paghihigpit para sa ASEAN Summit.
📸 DSWD

