Aabot na sa higit ₱31.1 milyon ang tulong-pinansyal na nailaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga magsasakang naapektuhan ng matinding tagtuyot dulot ng El Niño sa Camarines Norte.
Ito ay sa ilalim ng UPLIFT Assistance o Emergency Cash Transfer kung saan nasa 2,969 magsasaka mula sa mga bayan ng Capalonga at Paracale ang nakinabang.
Nagsimula ang pamamahagi ng ayuda nitong November 5, at inaasahang magpapatuloy pa hanggang Martes, November 10.
Layon ng cash assistance na matulungan ang mga magsasaka na makabangon mula sa pinsalang idinulot ng matinding tagtuyot at masuportahan ang kanilang mga pangunahing pangangailangan at kabuhayan.
📸 DSWD

