Inaasahan pa rin ang mataas na temperatura gayundin ang heat index o alinsangan sa katawan sa tatlong lugar sa bansa.
Batay sa heat index forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 42°C ang heat index sa Catarman, Northern Samar; Borongan, Eastern Samar; at Zamboanga City.
Pasok ito sa danger category kung saan maaaring mauwi sa heat cramps at heat exhaustion ang matagal na exposure sa araw ng isang indibidwal.
Dito naman sa Metro Manila, nasa 36-37°C ang inaasahang heat index ngayong araw.