Photo courtesy of CALOOCAN LGU
Nagkaloob ng agarang tulong ang Caloocan City Social Welfare and Development Department sa mahigit 70 indibidwal na nasunugan sa Velasco Street, Barangay 7, Caloocan City.
Sa ulat ng LGU, dalawang katao ang nasawi habang dalawa ang nasugatan sa insidente.
Nagpaabot ng pakikiramay si Mayor Along Malapitan sa pamilya ng mga nasawi.
Tiniyak ng CSWDD ang funeral at burial assistance sa mga naulila. Nabigyan na rin ng medical assistance ang dalawang sugatan na nasa ligtas nang kondisyon.
Namahagi rin ang mga social worker ng hot meals, sleeping kits at psychosocial support sa mga apektadong residente.
Pansamantalang nanunuluyan sa evacuation center ng barangay ang mga nawalan ng tirahan, alinsunod sa direktiba ng alkalde na tugunan ang kanilang mga pangangailangan.