Photo courtesy of Senate of the Philippines
Dapat umanong ipaliwanag ni Vice President Sara Duterte kung saan nagmula ang perang ginamit nito sa kaniyang biyahe sa Hong Kong.
Ito ang naging pahayag ni private prosecutor Atty. Lorna Kapunan, matapos igiit ng Office of the Vice President na sariling pera at walang pondo ng gobyerno ang ginamit ng Bise Presidente sa kaniyang tatlong araw na pagbisita sa Filipino community sa Hong Kong mula Nobyembre 6 hanggang 8.
Ayon kay Kapunan, kaugnay pa rin ito ng isyu ng unexplained wealth na kinakaharap ng bise sa kaniyang impeachment trial.
Dagdag ng beteranang abugado, kahit sariling bulsa ang galing, nananatili pa rin ang katanungan kung saan nagmula ang napakalaking halagang ipinangtatravel nito.
Kwinestyon din ng prosecution ang dalas ng pagbiyahe ng Bise Presidente abroad at hinamon ang kampo nito na patunayang hindi reliable o peke ang mga dokumentong ipinrisinta ng prosecution sa halip na umiwas sa isyu.
Nakatakdang magprisinta ng mga testigo ang depensa ngayong araw, kabilang ang isang accountant mula Davao City para ipaliwanag ang naging sahod at kita ni VP Sara noong siya ay naninilbihan pa sa pamahalaang lungsod.