Duda si House Prosecutor at Bicol Saro Party-list Representative Terry Ridon na magkakaroon ng malalaking kilos-protesta sa lansangan sakaling mahatulang guilty o ma-convict sa impeachment trial si Vice President Sara Duterte.
Ito ay matapos niyang ipuntos ang resulta ng pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey, kung saan 51 porsiyento ng mga adult Filipinos ang nagsabing dapat igalang at tanggapin ang magiging desisyon ng Senate Impeachment Court—manalo man o matalo ang Bise Presidente.
Ayon kay Ridon, bagamat inaasahan ang maingay na reaksyon sa social media, malabong magdulot ito ng malawakang unrest o kaguluhan sa bansa dahil handa ang nakararaming Pilipino na respetuhin ang hatol ng Senado.
Nangyayari ang pahayag na ito sa gitna ng pagsisimula ng paghaharap ng ebidensya ng kampo ni VP Sara ngayong araw, Nobyembre 9, para sa kaniyang natitirang impeachment charge kaugnay ng alegasyon ng unexplained wealth.