Inihanda na ng water concessionaire na Manila Water ang 33 reservoirs nito sa East Zone bilang bahagi ng mga hakbang para matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig sa gitna ng inaasahang matinding El Niño na umabot ang epekto hanggang sa unang kalahati ng 2027.
Ayon sa kumpanya, may pinagsamang kapasidad na 557 milyong litro ng tubig ang mga naturang reservoir na nagsisilbing imbakan ng treated water at tumutulong sa maayos na distribusyon nito sa iba’t ibang lugar.
Bukod dito, pinalalakas din ng Manila Water ang iba pang pinagkukunan ng tubig para hindi lamang umasa sa Angat-Ipo-La Mesa system.
Kabilang dito ang Cardona Water Treatment Plant at East Bay Phase 1 na kumukuha ng tubig mula sa Laguna Lake, gayundin ang Calawis Water Treatment Plant sa ilalim ng Wawa-Calawis Water System.
Patuloy rin ang kumpanya sa pagpapababa ng water losses o non-revenue water na nananatili sa mas mababa sa 15%
Hinimok naman ang publiko na maging responsable sa paggamit ng tubig sa pamamagitan ng pag-aayos ng mga tumutulong gripo, muling paggamit ng tubig kung maaari, at agarang pag-uulat ng mga tagas sa mga pampublikong lugar.