Kasado na ang latag ng seguridad ng Philippine National Police (PNP) para tiyaking ligtas, maayos at mapayapa ang pagdaraos sa bansa ng ika-49 na ASEAN Summit and related Summits mula November 16-18.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame ngayong umaga, sinabi ni PNP Chief, PGen. Jose Melencio Nartatez Jr. na aabot sa 19,869 na mga tauhan ang kanilang ipakakalat sa kasagsagan ng pagtitipon.
Partikular na magiging trabaho ng mga pulis ang pagbibigay seguridadad sa delegado, pagsasaayos sa ruta na kanilang daraanan at maging sa tutuluyan.
Samantala, sinabi rin ng PNP Chief na magdedeklara ng full alert status ang PNP habang papalapit ang ASEAN.
May panawagan naman si Nartatez sa publiko sa kasagsagan ng pagpupulong na una nang idineklara ng Malacañang bilang special non-working days.