Muling magpapatuloy ngayong Lunes ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte matapos ang mahigit isang buwang recess.
Nakatakdang magsimula ang trial ng alas-10 ng umaga para sa pagsisimula ng presentasyon ng ebidensiya ng depensa kaugnay ng Article II ng impeachment complaint.
Batay sa listahang isinumite ng depensa, inaasahang unang haharap bilang testigo si Atty. Suzette Balucanag-Punay, corporate counsel ng GenCorp Industries at Metro City Chow Foods Corporation at inaasahang tatalakayin niya ang general information sheets at audited financial statements ng mga kumpanya mula 2022 hanggang 2025.
Posibleng sumunod na tumestigo ang mga kinatawan ng city assessor ng Davao City at Island Garden City of Samal, accountant ng Davao City, punong barangay ng Matina Crossing, at mga kinatawan ng mga bangko.
Sinabi ni Impeachment court spokesperson Atty. Reginald Tongol, naipadala na ang subpoena sa 22 sa 24 na testigong unang inilista ng depensa.