Hinamon ng House Prosecution Panel ang mga opisyal ng bangko na ilalabas bilang testigo ng depensa na ipaliwanag kung bakit “zero cash in bank” ang nakadeklara sa SALN ni Vice President Sara Duterte gayong may laman at milyon-milyong ending balance ang kaniyang mga bank account.
Kwinestyon ni House Lead Impeachment Prosecutor at Batangas Representative Gerville “Jinky Bitrics” Luistro ang papel ng mga kinatawan mula sa walong bangko—kabilang ang BDO, BPI, Metrobank, at Landbank—na nakalinya sa witness list ng VP.
Pinalagan din ni Luistro ang argumento ng depensa na baka nakasama o naka-lump sum lamang sa kategoryang “others” ang pondo.
Binigyang-diin pa ng prosecution chief na mahihirapan ang depensa na pasinungalingan ang mga ebidensyang nakabase sa mga opisyal na dokumento at mismong sworn declarations na inihain ng Bise Presidente.
Samantala.. kinumpirma ni Luistro na hindi makakadalo ngayong araw ang isa sa mga inaasahang testigo ng depensa
Ito ay si corporate counsel ng GenCorp Industries Incorporated na si Atty. Suzette Balucanag-Punay na hindi ito makakasipot sa pagdinig dahil sa nakatakda nitong Medical Examination o Magnetic Resonance Imaging (MRI) scan. | ulat ni Melany Reyes