Umabot na sa mahigit sampung libo at dalawang daang guro at school heads sa Pangasinan na ang nakinabang sa Expanded Career Progression (ECP) System ng Department of Education.
Ito ang inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mass oath-taking ceremony ng mga bagong promote at bagong hired na personnel ng DepEd mula sa lalawigan ng Pangasinan.
Nitong November 09, 2026, umabot sa mahigit limang libong mga guro, school heads, at mga school counselor associates ang nanumpa sa kanilang mga tungkulin sa isinagawang seremonya.
Ayon sa Pangulo, kinikilala ng pamahalaan na matagal nang kinakaharap ng mga guro ang hamon sa pag-angat sa kanilang propesyon, partikular ang mahabang paghihintay para sa promotion mula Teacher I hanggang Teacher III, at mula Teacher III hanggang Master Teacher I.
Sa pamamagitan ng ECP System, binibigyan ang mga pampublikong guro ng mas malinaw na oportunidad para sa propesyonal na pag-unlad at pagsulong sa kanilang karera.
Ayon kay Pangulong Marcos, nais ng administrasyon na patuloy na suportahan ang mga guro upang mas mapahusay pa ang kanilang kakayahan at maibigay ang de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral.