Kasabay ng kaliwa’t kanang hakbang ng gobyerno upang mapabuti ang working environment at mga oportunidad para sa mga guro, patuloy rin na pinalalakas ng gobyerno ang suportang ibinibigay sa mga estudyante para sa pagsusulong ng mental health ng mga ito.
Ayon kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., batid ng administrasyon ang pangangailangan na mapalakas rin ang counseling at mental health services sa mga paaralan, upang masiguro na natatangaap ng mga mag-aaral ang suporta na kanilang kinakailangan.
Sabi ng Pangulo, upang matiyak na naririnig at mayroong ligtas na matatakuhan ang mga bata, pinalawak ng pamahalaan ang National Learners TeleSafe Contact Center Helpline, gayungrin ang pagpapa-igting ng mga patakaran sa mga paaralan kontra bullying.
Sabi ng Pangulo, patuloy ang pagsisikap ng gobyerno, sa pagsusulong ng isang Bagong Pilipinas, kung saan ang mga guro ay patuloy na umuunlad, at ang nga mag-aaral ay nabibigyan ng pagkakataong maabot ang kanilang ganap na potensyal.