Pinilahan ng mga motorista ang ilang gasolinahan sa Quezon City kasunod ng malakihang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo na epektibo ngayong araw.
Good news ito lalo sa mga taxi driver na umaasang makababawi na sa kanilang kita.
Ayon kay Mang Leo, malaking tulong ang rollback sa kanilang mga namamasada para mabawasan ang gastusin at magkaroon ng mas magandang kita, lalo na ngayong papalapit ang Kapaskuhan.
Ayon din sa Taxi Driver na si Ricky, posibleng nasa ₱200 din ang madadagdag sa kanyang kita ngayong mas mababa na ang gagastusin niya sa panggasolina.
Umaasa naman ang mga taxi driver na magtuloy-tuloy ang pagbaba ng presyo ng mga produktong petrolyo at hindi ito mapalitan ng panibagong malakihang taas-presyo sa susunod na linggo.