Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay ng ulat hinggil sa posibleng data breach sa Local Government Unit Support System–Barangay Information Management System o LGUSS-BIMS.
Naglalaman ang naturang sistema ng Records of Barangay Inhabitants o RBI na may personal na impormasyon ng mga residente sa iba’t ibang barangay.
Ayok sa DILG, bahagi ng imbestigasyon ang pagberipika sa mga ulat at pagtukoy sa lawak ng posibleng pagkakakompromiso ng mga datos.
Nakipag-ugnayan na rin ang kagawaran sa National Privacy Commission (NPC) at nagsagawa ng mga paunang hakbang para maprotektahan ang personal na impormasyon at mapalakas ang seguridad ng sistema.