Photo courtesy of Caloocan City Government
Pinaghahandaan na ng Caloocan City Government ang ika-163 anibersaryo ng kapanganakan ng bayaning si Andres Bonifacio sa November 30.
Maagang nagsagawa ng pulong ang technical working group kasama ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.
Kabilang sa mga dumalo ang mga kinatawan ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP), Philippine National Police, at Metro Manila Development Authority.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga kailangang paghahanda para sa gagawing aktibidad sa makasaysayang lungsod ng Caloocan.
Layon nitong matiyak na magiging maayos, ligtas, at organisado ang paggunita sa nasabing anibersaryo.
Bahagi ito ng pagpupugay sa alaala ni Bonifacio, na kilala bilang Ama ng Katipunan at isa sa mga pangunahing bayani ng Himagsikang Pilipino.
