Hindi tumitigil ang mga hakbang ng Department of Agriculture (DA) upang mapalawak at maparami pa ang Kadiwa ng Pangulo sites sa buong bansa.
Ayon kay DA Assistant Secretary Genevieve Velicaria Guevarra, pumalo na sa 856 ang kabuuang bilang ng Kadiwa sites sa buong Pilipinas.
Patuloy naman ang pagkamit ng DA sa target nitong 1,500 Kadiwa sites sa buong bansa sa pakikipagtulungan na rin ng mga lokal na pamahalaan, mga kooperatiba, ahensiya ng pamahalaan, at iba pang stakeholders na sumusuporta sa mga adhikain ng Kadiwa ng Pangulo program.
Nakatutulong din ang collaborations ng DA sa kapwa nito government agencies tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Department of Labor and Employment (DOLE), upang mas mapalawak pa ang market availability ng mga agri produce na ibinebenta ng mura sa ilalim ng Kadiwa program.
Malaki rin ang ambag ng mga LGU para sa maayos na lokasyon ng mga Kadiwa site upang mas marami itong maabot na Pilipino.