Photo courtesy of Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)
Bumaba ng 12.5 % ang bilang ng mga public utility vehicle driver (PUV) at conductors na nagpositibo sa illegal drugs sa katatapos na Oplan Harabas ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) para sa Undas 2026.
Ayon kay PDEA Director General Undersecretary Isagani Nerez, 63 sa 5,479 na drivers at conductors ang nagpositibo sa surprise drug testing na isinagawa mula October 26 hanggang 31.
Sa 63 na drug-positive, 62 ang nagpositibo sa shabu habang isa ang nagpositibo sa marijuana.
Pinakamarami ang naitala sa Region 9 o Zamboanga Peninsula na may 22 kaso, sinundan ng CALABARZON na may 10.
Sinabi ni Nerez, patunay ito sa pag-unlad ng kampanya laban sa illegal drugs sa hanay ng mga public transport workers.