Pinatawan ng Sandiganbayan Third Division ng 90-araw na suspensyon si dating House Speaker at Leyte First District Representative Ferdinand Martin Romualdez.
Sa resolusyong ipinalabas ngayong araw, inatasan si Romualdez na itigil muna ang pagganap sa mga tungkulin ng kanyang opisina o anumang iba pang posisyon sa loob ng 90 araw.
Inatasan din ng korte ang Clerk of Court na ipaabot ang kopya ng resolusyon sa Speaker of the House sa pamamagitan ng Office of the Secretary General.
Pinag-susumite naman ng report ang nasabing tanggapan sa korte ng anumang aksyong isinagawa sa loob ng limang araw matapos matanggap ang resolusyon. | ulat ni Rey Ferrer