Umaasa pa rin ang Malacañang na mapipirmahan at maisasapinal sa ilalim ng ASEAN chairmanship ng Pilipinas ang code of conduct (COC) sa South China Sea (SCS).
Pahayag ito ni Communications Usec Claire Castro sa harap ng pagbubukas ng ika-49 na ASEAN summit at related summits sa susunod na linggo (November 15 – 17).
Sabi ng opisyal, hindi nagbabago ang nais ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maitatag ang magandang relasyon sa lahat ng bansa.
Kabilang na dito ang pagsusulong ng mga kasunduan para sa kapayapaan sa rehiyon.
“Yes, kasi ang nais ng Pangulo ay magandang makikipag relasyon sa lahat ng bansa at kung anuman ang maaaring maging agreement para sa kapayapaan ng rehiyon, iyon ang nais ng Pangulo.” -Castro.
Kung matatandan, deka-dekada nang isinusulong ng Pilipinas ang naturang dokumento, na inaasahang maglalaman ng mga probisyon at batayan na dapat sundin ng mga bansang mayroong interes sa mga teritoryo sa South China Sea (SCS).