Nananawagan ang Malacañang sa transport group na PISTON na ipagpaliban muna o huwag itapat sa mismong araw ng ASEAN Summit ang ikinakasang transport strike.
Kung matatandaan kasi, sa November 16 na ang nakatakdang tigil-pasada sa November 16, kasabay ng pagsisimula ng 49th ASEAN Summit sa Pilipinas.
Sabi ni Communications Usec. Claire Castro, mayroong sapat na panahon ang mga grupo upang ihayag sa pamahalaan ang kanilang mga hinaing.
Iwasan na aniya sanang itapat ang mga protesta sa pagdating ng mga delegado at iba pang bisita ng bansa.
Ang pagsisiguro ni Castro, tutugunan ng pamahalaan ang pangangailangan ng mga sektor na maaapektuhan ng mga protesta at iba pang aktibidad kaugnay ng summit.
Hinimok din niya ang mga ito na ipakita ang tunay na kagandahang-ugali ng mga Pilipino sa pagdating ng mga bisita ng bansa.