Nananatiling nakahanda ang panig ng prosekusyon para busisiin ang mga susunod na testigo ng depensa para kay Vice President Sara Duterte, kabilang ang mga lokal na opisyal ng Davao.
Ayon kay House Lead Prosecutor at Batangas Rep. Gerville “Jinky Bitrics” Luistro, sunod na inaasahang ihaharap ng depensa sina:
- Engr. John Kenneth Enumerables (Island Garden City of Samal Assessor)
- Vingelin Bajan (Davao City Accountant)
- Cindy Colina (Matina Crossing Barangay Chairperson)
Kasunod ito ng cross examination ng prosekusyon sa unang testigo ng depensa na si Davao City Assessor Engr. Jaime Adalin na ginisa sa ari-arian ng magasawang Duterte-Carpio sa Davao City, at sa naging libreng biyahe nito sa China noong 2025.
Mariing binigyang-diin ni Luistro, na handang-handa ang kanilang hanay na busisiin ang mga testimonya ng depensa at itapat ito sa mga ebidensyang pinansyal na nauna nang inihain sa Senate Impeachment Court.
Matatandaang sinimulan ng depensa ang pagpapakita ng kanilang mga ebidensya nitong Lunes, upang sagutin ang natitirang kaso ng impeachment sa ilalim ng Article II, na nag-aakusa ng umaabot sa ₱817 milyong halaga ng hindi maipaliwanag na yaman at hindi naideklarang ari-arian.