Most important partners in nation-building. Ito ang naging paglalarawan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga teachers na aniya’y may malaking papel na ginagampanan para mahubog ang mga estudyante sa kung anong uring mamamayan sila sa hinaharap.
Bilang mga pangalawang magulang, sinabi ng Pangulo na mahalaga ang role ng mga teachers sa desisyong gagawin ng mga mag-aaral, ano ang kanilang magiging kontribusyon, at maaaring ialok o maipaglingkod sa bayan.
Kaya ang pamahalaan, sinabi ng Pangulo ay gumagawa ng iba’t ibang kaparaanan para mabigyan pa ng mas malawak na oportunidad para sa kanilang professional development and career advancement.
Sa pamamagitan ng Expanded Career Progression (ECP) System ay nagiging mabilis ang career progression ng mga guro mula Teacher 1 hanggang sa maabot ang posisyon na Master Teacher 1.