Photo courtesy of Sandiganbayan Pool
Binigyang-diin ng kampo ni dating House Speaker Martin Romualdez na hindi nangangahulugan na guilty na o may pagkakasala ang mambabatas dahil sa ipinataw na 90-day Preventive Suspension sa kaniya kaugnay ng kasong Plunder.
Ayon kay Atty. Ade Fajardo, abogado ni Romualdez, hindi pa napatutunayan ng prosekusyon ang mga alegasyon na sangkot ang dating lider ng Kamara sa Plunder at pagtanggap ng kickbacks.
Aniya ang resolusyon ng Sandiganbayan ay tumutukoy lamang sa legal na sapat na batayan ng information at sa mandatory na pagpapatupad ng Preventive Suspension.
Binigyang-diin din nito na mismong korte ang nagsabing kailangang patunayan pa sa paglilitis ang partisipasyon ni Romualdez at ang mga transaksyong umano’y pinagkunan niya ng komisyon.
Dagdag pa ng abogado, walang partikular na finding ang korte na tinakot ni Romualdez ang mga testigo, pinakialaman ang ebidensya o hinadlangan ang paglilitis.
Iginagalang naman umano ni Romualdez ang desisyon ng korte at pinag-aaralan ang mga legal na hakbang na maaari niyang gawin habang patuloy na iginiit na wala siyang pagkakasala.