DOH, naglabas ng ilang paalala para labanan ang epekto ng El Niño
Pinayuhan ng Department of Health (DOH) ang publiko na magsuot ng mapusyaw at komportableng damit upang makaiwas sa matinding init ng panahon.
Ayon sa DOH, mas maraming init mula sa araw ang naa-absorb ng madidilim na damit tulad ng itim, dark green, at navy blue, kaya mas mainit ang pakiramdam ng nagsusuot nito.
Mas mainam naman ang mga damit na kulay puti, pastel, at beige dahil mas naire-reflect ng mga ito ang init mula sa araw.
Paalala ng DOH, mahalagang pumili ng angkop na damit lalo na kapag mainit ang panahon upang mabawasan ang panganib ng heat exhaustion at heat stroke.