Nilinaw ng Philippine Army na hindi konektado sa ongoing manhunt kay Senador Bato dela Rosa ang napa-balitang engkwentro sa Lanao del Sur.
Ayon kay Philippine Army Spokesperson Colonel Louie Dema-ala, rido o away sa pagitan ng dalawang mag-anak ang sanhi ng insidente kung saan tatlong militar ang sugatan.
“Ang reported lang sa amin na encounter is yung sa Lanao del Sur, no? Uh, which yung na-identified natin, reported as a Rido,” pahayag ni Dema-ala.
Paalala naman ng militar sa publiko na maging maingat sa fake news na kumakalat online.
Yun lang, but as to yung alleged na reports about Senator Bato, wala po kaming na-receive na official reports. Everything na kumalat sa social media na hindi validated, ah, reassures that these are all uh disinformation na ginagawa, misinformation and, We should be aware,” dagdag pa ni Dema-ala.
Sa ngayon, ongoing pa rin ang pagtugis kay Senator Dela Rosa, kung saan nasa ₱50 million pa rin ang nakalaang pabuya sa makapagtuturo sa senador.