Gamit ang records ng Securities and Exchange Commission (SEC), giniba ng Prosecution ang kredibilidad ng pangatlong testigo ng Prosecution na si Davao City Accountant Vingeline Bajan.
Ayon kay House Prosecutor Terry Ridon, mula sa mga public documents lamang nila nakuha ang ugnayan ni city accountant at auding firm na Ampil, Elises, Ciudadano & Co accounting firm.
Lumalabas kasi sa SEC records na naging partner ni Bajan ang nasabing accounting firm na kalaunan ay naging external auditor ng Gencorp at Metro City Cow Foods.
Ito ang mga kumpanyang may kaugnayan sa magasawang VP Sara Duterte at Atty. Mans Carpio.
Ayon pa kay Ridon, tila hindi ito napaghandaan ng panig ng depensa ang naturang impormasyon ng Conflict of Interest ni Bajan sa lumang kumpanya at sa negosyo ng mga Duterte.