Ibinida ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dami ng mga tawag na kanilang natanggap sa Unified 911 emergency hotline.
Ayon sa DILG, mula nang mailunsad nila ito noong 10 buwan ang nakakaraan ay nakatanggap sila ng 96,447 na tawag.
Sumampa na ang efficiency rate nito sa 96.64 percent mula January 1 hanggang October 30.
Kinabibilangan ito ng paghingi ng tulong sa kapulisan, fire emergencies, medical concerns, search and rescue operations, at mga kaso na ang mga biktima ay babae at kabataan.
Ang nasabing Unified 911 ay inilunsad noong September 2025 bilang unang single emergency hotline para sa police, fire, medical, at rescue assistance.
Dagdag pa ng DILG, na aabot lamang sa hanggang limang minuto ang pag-responde ng mga otoridad.