Inihayag ni Private Prosecutor Atty. Benjamin “Jay” Tolosa Jr. na nakahanda niyang sagutin ang pormal na mosyon na isusumite ng defense team hinggil sa umano’y paglabag sa sub judice rule.
Kinumpirma rin ni Tolosa na pinag-aaralan na ng panel ang paghahain ng kaukulang aksyon laban sa mga pahayag ni Vice President Sara Duterte at ng kaniyang spokesperson na sa tingin ng prosecution ay paulit-ulit ding lumalabag sa naturang alituntunin.
Nang tanungin kung siya ba ang pinatutungkulang prosecutor ng defense team, sinabi ni Tolosa na nakabase lamang sila sa naging talakayan sa loob ng korte.
Nanindigan si Tolosa, na wala sa mga miyembro ng prosecutoon panel ang kailanman umatake o nagpahayag upang dungisan ang kredibilidad ng impeachment court o mga senator judge.