Photo courtesy of NAPOLCOM
Tuluyan nang sinibak sa serbisyo ng National Police Commission ang dalawang pulis ng Manila Police District dahil sa iregularidad sa pagganap ng tungkulin at hindi angkop na asal.
Kabilang sa sinibak sina Patrolman Algrene Ar-ar Mirano Alcause at Jerome Caballa Toledo, matapos pagtibayin ng NAPOLCOM En Banc ang desisyon.
Ayon kay NAPOLCOM Commissioner Rafael Vicente Calinisan, nag-ugat ang kaso sa viral traffic incident sa Taft Avenue noong Pebrero 5, kung saan hinarang ng dalawa ang isang motorista at nilabag ang traffic signal.
Pinabulaanan din ng maintenance report ang kanilang palusot na nagkaroon ng mechanical failure ang kanilang sasakyan.
Ayon pa kay Calinisan, walang pulis ang nasa ibabaw ng batas at dapat managot ang sinumang umaabuso sa kanilang tungkulin. | ulat ni Rey Ferrer