Isinailalim sa 90-araw na preventive suspension ng Land Transportation Office (LTO) ang isang sikat na miyembro ng P-pop girl group dahil sa umano’y paggamit ng cellphone habang nagmamaneho.
Batay sa video na natanggap ng LTO, makikitang nire-record niya ang sarili habang nagmamaneho at yumuko pa upang pulutin ang nahulog na cellphone.
Ayon kay LTO Chief Markus Lacanilao, inisyuhan siya ng Show Cause Order dahil sa posibleng paglabag sa Anti-Distracted Driving Act at iba pang batas-trapiko.
Inaatasan siyang magsumite ng sinumpaang paliwanag at humarap sa LTO Central Office sa November 20.
Iniutos din ng ahensya ang pagsuko ng kanyang driver’s license habang nagpapatuloy ang imbestigasyon.