Handa nang umalalay ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa iba pang ahensya ng Pamahalaan para tiyakin ang maayos, mapayapa at matagumpay na pagdaraos ng ASEAN Summit and related Summits sa susunod na lingo.
Sa pulong balitaan ng MMDA sa Pasig City, sinabi ni MMDA Chairman, Atty. Don Artes na aabot sa 2,637 na mga tauhan nila ang ipakakalat para sa ASEAN Summit.
Partikular namang tututukan ng MMDA ani Artes ang kaayusan sa paligid ng pagpupulong gayundin ang pagmamando ng trapiko.
Kasabay nito, inanunsyo ng MMDA Chief na suspendido ang number coding scheme mula Nobyembre 16 hanggang 18 na deklaradong special non-working days sa Metro Manila.
Nagtalatag din ng traffic management plans ang MMDA para sa ASEAN kasama na ang security exclusion zones kung saan tanging mga may mga awtorisadong sasakyan na may car sticker lang ang papayagaang makadaan sa PICC complex.
Kasama rito ang:
- Atang Dela Rama St.
- Vicente Sotto St.
- Pedro Bukaneg St.
- Magdalena Jalandoni St.
Paglilinaw naman ng MMDA, walang road closures sa ASEAN at magkakaroon lang ng stop and go scheme kapag may daraan na head of state.
Naglabas din sila ng truck routes at alternatibong mga ruta na makikita ang buong listahan sa kanilang official facebook account.
Samantala, sinabi naman ni MMDA Chairman Atty. Don Artes na asahan na ng publiko ang adjustment sa traffic.
Kaniya ring ipinaalala ang pagpapatupad ng adjusted mall hours sa Metro Manila mula alas- 11:00 ng umaga hanggang alas-11:00 ng gabi tuwing weekdays mula November 16 hanggang December 25, 2026.