Slovak Foreign Minister Juraj Blanár, bibisita sa Pilipinas mula November 12 hanggang 15 para palakasin ang ugnayan ng dalawang bansa
Bibibisita si Slovak Foreign Minister Juraj Blanár sa Pilipinas para sa muling pagpapalakas ng political at economic relations ng pilipinas at ng Slovakia.
Ito ang unang official visit ng Slovak foreign minister sa bansa mula noong 2015.
Makikipagkita si Blanár kay Foreign Sec. Ma. Theresa Lazaro at Trade and Industry Sec. Cristina Roque para pag-usapan ang political at economic relationship ng Pilipinas at Slovakia. | ulat ni Aj Ignacio