Hindi pinagbigyan ng Sandiganbayan 3rd Division ang hirit ni dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. na makapaghain ng demurrer to evidence kaugnay ng kinahaharap na kasong malversation.
Ang demurrer to evidence ay mosyon na humihiling na ibasura ang kaso sa dahilang hindi sapat ang ebidensiyang iniharap ng prosekusyon para patunayan ang pagkakasala ng akusado.
Matatandaang pansamantalang nakalaya si Revilla noong July 31 matapos maglagak ng ₱1 milyong piyansa.
Samantala, naghain din ng mosyon sina Senator Rodante Marcoleta, dating Rep. Mike Defensor, at dalawang kapwa akusado para makapaghain ng demurrer to evidence sa kinakaharap nilang kasong plunder kaugnay ng umano’y hindi pagdedeklara ng campaign donation.
Inatasan na ng Third Division ang prosekusyon na isumite ang kanilang komento sa nasabing mosyon sa loob ng limang araw.