May pitong lugar sa bansa ang inaasahang makararanas ng matinding heat index o damang init ngayong Biyernes, November 13.
Batay sa Heat Index Forecast ng PAGASA, posibleng pumalo sa hanggang 42°C ang pinakamataas na heat index at ito ay posibleng tumama sa Coron at Cuyo, Palawan; Masbate City, Masbate; Dumangas, Iloilo; La Carlota, Negros Occidental; Borongan, Eastern Samar; at Zamboanga City.
Sa ilalim ng ‘danger’ category, pinag-iingat ang publiko sa matagal na exposure sa araw dahil maaari itong mauwi sa heat cramps at heat exhaustion.