Nag-remit ng 8.42 billon pesos ang Bases Conversion and Development Authority o BCDA sa Bureau of the Treasury mula sa kita nito sa pagbebenta at pagpapaupa ng mga ari-arian ng gobyerno.
Kasama ang 2.6 bilyong pisong dibidendo noong May, umabot na sa record-high na 14.1 bilyong piso ang kabuuang nai-remit ng BCDA ngayong taon.
Katumbas ang pondong ito ng halos 500 kilometrong kalsada, mahigit 40 ospital, o lampas 9,000 pabahay.
Pinuri naman ni Finance Secretary Frederick Go ang pagpapaunlad ng BCDA sa mga lupain ng gobyerno bilang mga sentro ng negosyo at ekonomiya.
Ilalaan ang pinakamalaking bahagi ng pondo sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines o AFP, habang ang natitira ay mapupunta sa iba pang programang pangkaunlaran ng pamahalaan. | ulat ni Louisa Erispe