Photo courtesy of Philippine Ports Authority
Hinikayat ng Philippine Ports Authority o PPA ang publiko na samantalahin ang mahabang holiday break dahil sa ASEAN Summit at bisitahin ang iba’t ibang tourist destinations sa bansa.
Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, inaasahan nilang dadami ang mga pasaherong maglalayag dahil sa mahabang bakasyon na tatagal hanggang Nobyembre 18.
Kabilang sa mga itinakdang pamasahe ang ₱600 sa Lucena-Balanacan route, habang ₱1,320 naman sa Lucena-Sibuyan at Lucena-Masbate.
Nasa ₱1,600 naman ang pamasahe mula Davao patungong General Santos at Zamboanga, habang ₱2,900 sa Davao-Manila route.
Maaari ring magdala ng sariling sasakyan ang mga biyahero sa pamamagitan ng roll-on/roll-off o roro para mas maginhawa ang kanilang paglalakbay.
Tiniyak naman ng PPA na nakahanda at maayos ang mga pasilidad sa mga passenger terminal upang matiyak ang komportable at ligtas na biyahe ng mga pasahero.