Wala pa umanong utos sa ngayon ang Department of Justice sa National Bureau of Investigation para sa extradition ni KOJC Leader Pastor Apollo Quiboloy pero ayon kay NBI Director Melvin Matibag, handa silang mag-asiste para dito.
Ayon kay Matibag handa rin silang makipag-ugnayan sa iba pang law enforcement agencies para sa pagpapatupad ng extradition
Pero paliwanag ng director, hindi agad-agaran at dadaan pa sa proseso bago tuluyang maipatupad ito dahil dudulugin pa sa korte ang extradition request.
Matatandaan na naglabas na ang Regional Trial Court ng Makati City ng extradition warrant arrest laban kay Quiboloy kasunod ng isang pormal na extradition petition ng DOJ sa korte sa ngalan ng US government.
May kasama namang hold departure order na nilabas ang korte at bukod kay Quiboloy kasama din ang dalawa pang co-accused na sina Teresita Tolibas Dandan at Helen Panilag. | ulat ni Louisa Erispe