Walang ipatutupad na airport lockdown sa bansa sa pagdating ng mga delegado para sa gaganaping 49th ASEAN Summit.
Kinumpirma ito ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP. Aniya, na may nakalaang hiwalay na lugar naman para sa mga VIP upang hindi maabala ang normal na operasyon ng mga paliparan.
Kabilang naman dito ang Ninoy Aquino International Airport o NAIA, Clark International Airport, at Cebu Airport kung saan inaasahang lalapag ang mga delegado
Paalala naman ng CAAP sa mga babyahe, i-check muna flight status at makipag-ugnayan sa kanilang airline bago pumunta sa airport.
Nakahanda rin ang mga information counter at help desk sa mga paliparan para umalalay sa mga pasahero. | ulat ni Louisa Erispe