Nagpaabot ng pagbati ang Deparmtent of National Defense (DND) kay Vice Admiral Alan Javier sa pagkakahirang sa kaniya bilang bagong Flag-Officer in Command ng Philippine Navy.
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr si Javier bilang bagong pinuno ng Navy kapalit ni Vice Admiral Jose Ma. Ambrosio Ezpeleta na nagretiro na ngayong araw.
Sa inilabas na pahayag ng DND, tiwala silang bitbit ni Javier ang operational urgency at strategic direction na kinakailangan para pamunuan ang Hukbong Dagat at panatilihin ang kanilang Naval Operations.
Bago hirangin bilang Flag-Officer in Command, kasalukuyang hinahawakan ni Javier ang posisyon bilang Commander ng Western Command, dating Commander ng Western Naval Command at Chief of Naval Staff.
Samantala, sinabi ng DND na hangad nila ang patuloy na tagumpay kay Ezpeleta na ngayo’y papasok na sa sibilyang pamumuhay matapos ang makulay na 35 taon niyang pagsisilbi sa bayan.