Kinumpirma ni ASEAN Spokesperson Dominic Xavier Imperial ang nakatakdang pulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama si US President Donald Trump sa sidelines ng 2026 ASEAN Summit.
Sa kauna-unahang press briefing sa International Media Center (Novermber 13), sinabi ng opisyal na nakalinya ring pulong ng Pangulo, kasama ang mga lider ng Australia, Japan, Brazil, at Korea.
Inaayos pa aniya ang posibleng bileral meeting ng Pilipinas, kasama ang United Nations, Laos, at India.
Ngayong araw inilatag ng opisyal ng mga aktibidad para sa ASEAN Summit, at mga paksa na matatalakay ng ASEAN leaders.
Sa November 15, sisimulan ang summit sa opening ceremony, na susundan ng plenary at retreat sessions ng mga lider. Nakaplano rin ang mga pagpupulong kasama ang ASEAN Inter-Parliamentary Assembly, ASEAN Business Advisory Council at mga ASEAN youth.
Magpapatuloy sa November 16 at 17 ang mga pagpupulong ng ASEAN leaders kasama ang kanilang dialogue partners, kabilang ang Australia, China, India, Japan, South Korea, United Nations at United States.
Sa Nobyembre 17 din gaganapin ang 29th ASEAN Plus Three Summit at 21st East Asia Summit, bago ang ASEAN-US Special Summit.
Kabilang sa mga matatalakay ang Code of Conduct sa South China Sea (CSC), ASEAN regional oil stock pile, at paglaban sa polusyon sa rehiyon.
Maging ang desisyon para sa muling pakikibahagi ng Myanmar sa mga pulong ng ASEAN, inaasahang madi-desiyunan din sa susunod na linggo.
Tatalakayin din ang mga usapin para sa pagsusulong sa food security sa rehiyon, laban kontra transnational crimes, at online scams.
At ang pagsusulong ng kapakanan ng migrant workers.